Monday, September 28, 2009

lightning strikes the same place twice

Ang dami nang nangyari.

And that in itself is still an understatement.

I couldn't write now everything that I have thought of writing for the past few days, even if I tried. So I won't.

This weekend, Ondoy dropped by, but not to say hi. Thank you, Lord, na mataas ang Plaridel, kaya wala namang nangyari talaga dito. Sobrang lakas lang ng ulan at hangin noong hapon ng Sabado. Ayon sa mga taga-rito talaga, lubog na raw ang simboryo sa Malolos bago pa bumaha samin. Kaya pag bumaha na dito, marami nang munisipalidad ang nasa ilalim na ng tubig-baha.

Sabi nga sa balita, Bulacan daw ang isa sa mga hardest hit. Iyon nga lang, mukhang mas maayos ang rescue operations dito kaysa sa Marikina-Antipolo-Rizal area. Sabi ni Gov., rehabilitation stage na raw dito. Siguro malaking factor din naman na mas masikip sa siyudad, mas maraming sasakyan, bahay at kung anu-ano pang sagabal na nakapagpabagal sa rescue. Nakatutok naman kami sa balita, pero muntik ko pa ring malimutan na ang dami-dami pa lang taga-UPIS na doon sa affected areas nakatira.

Sina Neng, lumikas na sa mga kamag-anak. Taga-Provident nga yun, eh. Tsk tsk. Sina Ma'am Rhea sa Marikina, nakatayo pa raw bahay pero ayun, sira na nga lahat. Sina Tita Cat (Carag), lumikas na rin. Ngayon lang daw inabot ng baha sina Ma'am Vargas. Wala pang balita sa iba, pero nagpost naman sa facebook ng status ang ibang mga taong meron pang computer at internet connection. Wow. Sana lang wala namang nasaktan o namatay na kakilala... Sana pagkatapos nito, maging handa ang lahat para sa anumang sakuna o trahedya, lalo na sa mga ganitong hindi naman inasahan talagang pangyayari.

Kinansela nga ang klase hanggang Martes, pero makakapasok ba ang mga taong ito sa Miyerkules matapos mawalan ng gamit, damit, bahay? Whew. Dati-rati kasi, lahat tayo manonood lang ng balita. Ang mga tinatamaan, sa malalayong lugar sa hilaga, silangan at timog Luzon. Sa Visayas. Sa Mindanao. Nakiki-simpatya lang din tayo, nagdo-donate ng relief goods. Di natin inakalang masisiko rin tayo ng bagyo. Nang ganito kalala.
It is closer to home this time. A lot closer.

Habang nanonood ng balita nung Sabado ng gabi, parang gusto ko na ring lumusong sa baha at tumulong sa rescue operations. Parang ang sarap kumuha ng salbabida at mag-apparate sa kung nasan man naroon ang mga biktima. Lubhang nakakagaan siguro ng pakiramdam yung matulungan sila nang ganun, yung hindi lang magbigay ng pera o pagkain o damit. Yung talagang nakiisa ako sa pagligtas sa kanila. Ang helpless at frustrating kasi ng pakiramdam na nasa harap ka lang ng TV. Ang pangit ng pakiramdam na wala kang magawa. Eh hindi nga passable ang NLEX, pano naman kaya yun.

Sana marecognize din yung mga rescuers. Mahirap din naman talaga yung trabaho nila. Ang ewan kasi sa ibang mga tao, sila na nga ililigtas, sila pa galit. Totoo namang hindi sila kayang iligtas nang sabay-sabay, gustuhin man ng lahat. Sa mga ganitong pagkakataon daw, lumalabas ang kabayanihan ng ilan at ang bayanihan ng lahat. Ang tanong. Kailangan pa ba talagang mangyari ang mga ganitong bagay bago natin ituring na kapatid ang ating mga kababayan?

Let this stigma serve not only as a reminder (that we are not untouchable, whoever we are), but more so as a call for action. We cannot pretend that nothing serious is happening to our environment, to our world. God and Nature is still overwhelmingly more powerful than any of us. There will come a time when our lives can no longer be rebuilt after Tragedy. So we need to start the change in ourselves now.

----------

Pagkatapos ng lahat ng 'to, parang ang liit na bagay na lang ng mga nangyari sakin the past two weeks. Pero ilalagay ko na rin, para hindi ako makalimot.

Last 092309, Miyerkules, nadapa ako habang tumatakbo pababa sa may mga tambayan sa CAL. Maputik nun, kaka-ulan lang kasi. Kaya ayun, may something ang kanan kong tuhod. Malamang hindi naman fracture, nakakalakad pa ko, eh. Baka sa muscles/ligaments lang. Hanggang ngayon, masakit pa rin pag ginagalaw. Kaya pupunta na kaming doktor maya-maya. Asar, running pa man din PE ko. Di na ko makakapag-final activity.

Noong 091909, Sabado, dumalo ako sa 2nd i-witness docu seminar sa megatrade conference hall. Isang malaking YEY. Magaling sila. Topics include research and story pitching (Jay Taruc), shooting and directing (Sandra Aguinaldo), scriptwriting (Kara David), at editing (Howie Severino). Masaya talaga. :D

Days before that, 091709, Huwebes, nanakawan akong iPod. 120. Ayun. No comment na lang. Matapos kong ayusin ang album art..wala pa ngang isang buwan kong na-eenjoy. Pero sinong tanga.

Grabe yung linggong yun, eh. Martes, 091509, nung nawala ko yung singsing. Magaling magaling magaling.

Tapos 092009, Linggo, muntik ko na ring mawala ang pula kong wallet.

Gusto ko nang walain ang sarili ko.

Anyway.

Doctor time na.