na naman ang mga bagay bagay. At ayoko na munang makalimot. Mahirap umaalala, lalo na
pag mistulang ayos na ang lahat.
---------
Faith is pretty simple, most of the time. It isn't like math or science. It needs not accurate
answers or proven theories. Given: to have faith in God is to believe and trust in Him even
if one could not fully understand the intricacies of His mind and His plan.
Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin ang mga bagay na ito, pero naisip kong kailangan
ko pa ring sabihin. Siguro, bilang paalala na rin sa aking sarili.
Hindi tayo makasalanan dahil nagkasala at nagkakasala tayo.
Nagkakasala tayo dahil nilikha tayong makasalanan.
Ang Diyos ay banal, perpekto, malinis, walang sala.
Kinamumuhian Niya ang kasalanan, kaya pinarurusahan Niya ang nagkakasala.
Bakit?
Ewan. Hindi ko alam. Malay ko.
Sino bang nakakaalam?
Sino bang makakapagsabi kung bakit?
Ako ay nilikha lamang. Hindi ako ang lumikha. May karapatan akong magtanong ng mga
tanong na alam ko namang kahit ano pang gawin ko ay hindi ko masasagot.
Pero para saan pa? Ang mga plano Niya - mga bagay na hindi ko naman lubusang
maiintindihan. Na kahit isipin ko pa nang isipin, tanungin nang tanungin, wala namang
magiging malinaw na kasagutan.
Walang malaki o maliit na kasalanan. Ang kasalanan ay kasalanan. Tapos. Maski anupaman
ang magandang kadahilanan sa likod nito, paano mo naman ito maju-justify sa harap ng Diyos?
Hindi ito pagiging bulag. Hindi ako nagbubulag-bulagan. Hindi naman sa tanggap na lang
ako nang tanggap, pero alam ko kung kailan ako titigil sa pagtatanong. Hindi lang naman
minsan akong nalito at nawala.
Pero alam kong sa mga pagkakataong yun, nililito at winawala ko lang ang aking sarili.
Nakakatakot subukin ang Diyos.
Nakakatakot.
---------
Noong Biyernes, umattend kami sa first Praise and Worship Symposium ng League
of Christian Ministers in Bulacan. Dating gawi, 0700 ang call time pero 0800 na kami
nakaalis. Dumating kami sa Capitol Gym nang walang kahandaan, na parang nahatak lang
din kami lahat sa pagpunta.
Pero sa tingin ko, kahit papano, naging mabunga yung pagpunta namin dun.
Hindi ko alam kung anong iisipin ko nung simula pa lang, na habang nakataas na ang mga
kamay ng lahat sa pagpupuri ay wala pa rin sa amin ang kumikibo man lang. Hindi kasi namin
alam yung mga kanta. Iniisip ko pa tuloy kung pakitang tao lang ba talaga ang pagtataas nila
ng mga kamay o sadyang bato lang ang mga puso namin sa pagpupuri at pagsamba.
Hindi kami sanay sa ganun, palibhasa nga mga kabataan kaming nagpapaka-astig at nahihiyang
magmukhang tanga sa gitna ng mga mananampalataya. Pero di hamak namang mukha kaming
ewan nun, na kami lang halos ang di nakikiisa sa kanila. Siguro nga hindi lang namin ramdam
ang espiritu.
Sa simula lang pala.
Tahimik lang din kami, kahit nung kumakain na ng pananghalian. Hindi namin pinag-usapan
nang masinsinan yung mga narinig at naranasan namin. Pero alam kong may patama sa bawat isa.
Patamang malalim. Yung maaalala namin at magtatagal kahit papano.
Ang tunay na musikero ng Diyos ay mapagkumbaba at hindi naghahangad ng pansariling
karangalan. Hindi ganun kahalaga ang husay at galing ng talento, dahil ang pinakamahalaga
ay ang PUSO na naghahangad ng wasto at totoong paglilingkod. Pero bago yun, kailangan
munang mabasag, para mawala ang dating hubog. Kailangan munang magkaroon hindi lamang
ng personal, ngunit malalim na personal na relasyon sa Kanya. Paano ka nga ba naman
magiging lider sa pananambahan kung mismong iyong sarili, hindi mo madala sa presensya Niya.
---------
Marami pa akong gustong sabihin. Pero di kayang sabayan ng mga daliri ko.